top of page

How Math Can Save Lives: Reflections on Purpose



Shinare ko this week yung explanation ni Dr. Elvira de Lara-Tuprio (one of my personal heroes) sa kanilang project sa gobyerno na FASSSTER (watch here). Gamit ang mathematical modelling, sinusubukan nilang ipredict kung ano kaya ang mangyayari sa number of confirmed cases ng COVID-19 sa ating bansa kapag nilift ang ECQ sa ganitong petsa kumpara sa ibang petsa.


Maraming assumptions at limitations ang Math models pero makakatulong ito para kahit papaano magkaroon tayo ng ideya, gamit ang mga scientific tools at data na meron tayo ngayon, kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap. Hindi ito ang tanging basehan ng mga desisyon pero malaking tulong ito para sa ating mga policy makers kung ano ang mga dapat gawin. Ang desisyon na iyon, ay hindi lang basta-basta desisyon, dahil ang pinaguusapan natin dito ay mga buhay ng tao - specifically, buhay natin at ng mga mahal natin.


Lost and Found


Nakuwento ko ito dahil pagkagraduate ko dati, naalala ko natanong ko si Doc Tuprio kung ano kaya ang pwedeng maging ambag ng mga inaral namin sa Math department sa lipunan (mga panahong lost pa ako, ngayon lost pa din pero nabawasan haha). Mukhang lutang kasi para sa akin dati kung ano kayang pwedeng gamit ng mga differential equations sa mundo. Ngayon ko lang napapagtagpi-tagpi at ngayon ko mas na-appreciate ang isa sa mga mahal ko sa buhay, Math. Hindi ko pa rin lubos maintindihan ang halaga niya pero kahit paano mas luminaw na ngayon.


Heart to Serve


Kung papanoorin ang isa sa mga videos ni Doc Tuprio, may nabanggit siya dun na libre ang kanilang serbisyo sa FASSSTER. Hindi sila binayaran para tumulong sa mathematical modeling pero ginagawa nila ito bilang serbisyo para sa mas nakararami. Ang galing lang kung paano maaaring magamit ang talento na pinagkaloob sa atin para makasalba ng buhay. Hindi man directly gaya ng mga frontliners natin na nasa hospital pero indirectly gamit ang Math skills. Kailangan lang siguro ng dedikasyon, sipag at selflessness gaya ng pinakita ng team nila Doc Tuprio. Maraming salamat Doc Elvie and team.


 
 
 

Comments


  • facebook
  • linkedin
  • youtube

©2020 by Rod Barit. Proudly created with Wix.com

bottom of page