Extraordinary People: Reymel Q. Forte
- Rod Barit
- Apr 18, 2020
- 2 min read

Narigat ti biag.
Mahirap ang buhay.
Life is difficult.
Ito ang unang pangungusap sa libro ni Scott Peck na "The Road Less Traveled". Kapag natanggap mo na daw na mahirap ang buhay, "dadali" daw ito kasi ineexpect mo na.
Since 2015, hindi ko alam kung anong hirap ang pinagdaanan ni Emil. Bangon ng 5am para magtrabaho saJollibeeng walong oras, pasok sa school ng 2pm hanggang magdilim, tapos pag-uwi, gawa ng homework, projects, review, luto, laba, plantsa, hugas pinggan. Tulog ng 11pm. Gising ulit ng 5am. Repeat.
Pagkatapos ng apat na mahihirap at puyatan na taon, nakuha na niya sa wakas ang kinaaasam-asam na diploma. Maraming masisipag na kabataang Pinoy pero hindi lang nabibigyan ng pagkakataon o ng oportunidad para makapag-aral. Sabi nila dati, only 1 out of 10 Filipino children who enter Grade 1 will finish all the way to college (not sure of the statistics now but thanks to Free College Tuition Law this should improve). Kumbaga sa life lottery, kung ipinanganak kang Pilipino, odds are against you. Sometimes though, we meet extraordinary people who rise above those odds. Nakakatuwa na sa walong magkakapatid, si Emil ang pinaka unang college graduate sa kanila. Sa bawat isang Emil lalo na sa kanilang lugar, may 9 siyang kaklase na hindi makakatapos ng college.
Para sa mga mapapalad sa life lottery at pinag-aaral ngayon ng kanilang mga magulang, sana mag-aral kayo ng mabuti. Kung may kakayahang mag-aral pa ng post grad, go. 0.3% of the population lang ang may post-grad sa atin. Paghirapan natin ang lahat ng ito. Kasi sa totoo lang, wala pa sa kalingkingan ang "hirap" natin (isa ako sa mga mapapalad sa life lottery) kumpara sa hirap na dinadanas ng mga working students gaya ni Emil.
Para sa mga kasalukuyang mga working students (lalo na sa mga nagwwork sa Jollibee o ibang fast food chains), padayon lang. Mabigat at mahirap pagsabayin ang pagsaulo ng tamang weight ng spaghetti sauce at mga lesson sa school pero makakatapos ka din.
Para sa mga working students noon na mas maginhawa na ang buhay ngayon, saludo po ako sa inyo. Mahirap ang buhay pero sa dedikasyon, sipag, tiyaga, dasal, diskarte, at sikap nai-angat ninyo ang inyong sarili.
Para sa mga magulang, habang maaga, gumawa ng separate investment account para sa inyong mga anak at ilaan ito bilang College Fund. Huwag po gagalawin o iredeem. I've been talking about probabilities and odds but please don't leave your children's future to chance.
Please share Emil's advice to other working students:
"Para sa mga katulad kong working students wag niyo iisipin na hindi niyo kaya o magagawa, ang iisipin niyo lagi (kaya ko ito, magagawa ko ito) kasi nung nag-aaral ako, iniisip ko lagi si mama, si papa, mga kapatid ko. Gusto ko na hindi na nila matatamasa ang hirap ng buhay sa probinsya kasi matatanda na sila.
Hindi talaga maiiwasan minsan may darating na balakid o pagsubok sa buhay ng tao, pero noong mga panahon na nararanasan ko itong mga pagsubok na ito hindi ko iniisip na sumuko, basta mag pray ka lang sa itaas at isipin ang mga taong nag mamahal sayo"
Life is difficult.
Mahirap ang buhay.
Narigat ti biag.
For more content:
Facebook page: https://cutt.ly/0e6vDrJ
Youtube channel: https://cutt.ly/je6bwU4
Website: https://cutt.ly/8t4l04j
Comentarios