Extraordinary People: Luciana Paat Vda. De Barit
- Rod Barit
- Apr 18, 2020
- 2 min read

Ilocana Single Parent: Outstanding Mother ng Cagayan 24 years old si lola nung nagpakasal sila ni lolo Rodrigo Barit Sr. nung 1961. Sila ay nabiyayaan ng 5 anak: Roland, Oscar, Lenie, Eunice at Jong. Pagpatak ng 7th year ng kanilang pagsasama, nagkasakit si lolo ng throat cancer at saka ito pumanaw. Dito na nagsimula ang kanyang kalbaryo bilang isang single mother. Kahit na high school lang ang natapos ni lola, hindi ito naging hadlang upang mataguyod niya ang kanyang pamilya. 7,6,4,3 years old noon ang kanyang mga anak tapos ang bunso naman ay 6 months pa lang sa sinapupunan. Gamit ang Php5,000 na natanggap niya mula sa munisipyo ng Lasam bilang death benefit ng kanyang asawa, bumili si lola ng isang maliit na palayan na naging daan upang mabuhay niya ang kanyang pamilya. Para madagdagan ang kanyang kita, nagtinda din si lola ng iba’t-ibang gamit sa kanilang lugar. Maswerte ako dahil kahit mahirap ang buhay sa Lasam, Cagayan noon, napagtapos niya ng college ang kanyang limang anak (kabilang ang aking Papa Oca). Matipid.
Hindi ko maimagine ngayon kung anong hirap ang kanilang pinagdaanan bilang isang pamilya. Ang alam ko lang, masinop sila sa kanilang mga gastos (actually hanggang ngayon). Hindi ko sila nakitaan ng kahit anong luho, kahit anong bisyo o kahit anong sugal. Simple lang ang pamumuhay ni lola: ang ulam, ang mga labas, ang bahay, ang damit, etc. Masipag.
Hindi ko alam kung nakakita na kayo ng pinapatuyong palay sa gitna ng mga daan sa probinsya. Nung bata ako, nakikita ko dati si lola na siya mismo yung nagkikiwar (naghahalo) ng binibilad na palay sa daan. Mainit, makati, mahirap (kasi pinatry sakin dati). Hindi siya biro pero ginagawa niya ito even in her old age. Mapagpakumbaba.
Kapag umuuwi kami sa Lasam, madalas ko mapansin kung gaano kataas ang respeto ng mga tao sa komunidad kay lola. Hindi ko maisulat o mailarawan sa mga salita pero sobrang humble at mapagmahal kasi ni lola kaya siguro mahal na mahal siya ng mga tao sa Battalan. Maayos, masagana at maginhawa ang buhay naming mga apo niya ngayon hindi dahil magagaling kami – kung hindi dahil ilang dekada ang nakaraan – nagtipid, nagsipag, at naghirap ang aming Lola Sianing na maitaguyod ang kanyang pamilya. Kuha ang larawan sa Ateneo de Manila University – isa sa mga pinakamaganda (at pinakamasakit sa bulsa) na paaralan sa bansa. Isang malaking biyaya para sa akin at sa aking kapatid na si Glenn ang magkaroon ng oportunidad na makapag-aral dito – at malaking utang na loob namin ito sa aming Lola Sianing.
For more content:
Facebook page: https://cutt.ly/0e6vDrJ
Youtube channel: https://cutt.ly/je6bwU4
Website: https://cutt.ly/8t4l04j
Comments