Extraordinary People: 2LT ULYSSES T PASCUAL PAF
- Rod Barit
- Apr 18, 2020
- 2 min read

Service to the Community: Ang Tinyente ng Quirino
High school pa lang, mahilig na sa "Community Service" si Uly. Maalala ko dati, isa siya sa mga nag"CS" sa school bilang parusa sa paglaro ata ng DOTA (computer game). As a background, kapag may nagkakamali sa high school namin, pinapag"Community Service": walis, lampaso, linis ng mga damo sa paligid, etc. Ngayon, kakaibang community service na ang ginagawa ni Uly dahil isa na siyang officer (2nd Lieutenant aka Tinyente) ng Philippine Air Force. Desired.
Simula high school hanggang ngayon, masasabing hindi naging madali ang kanyang naging paglalakbay. Muntik na siyang maging "Summa" nung college. 2006 kami grumaduate ng high school pero nakatapos siya ng college 2015 - siyam na taon. Muntik na "Summa"mpung taon. Hindi ko alam kung bakit may negative connotation sa utak ko nung bata-bata pa ako kapag nadedelay ang isang estudyante. Pero mali pala ito. Kasi lahat tayo, iba-iba ang pinag-dadaanan. May sariling oras na sinusundan. Ang buhay mas masaya kung hindi nag-uunahan bagkus nagtutulungan.
Panganay
Panganay si Uly sa limang magkakapatid. Lumaki sa isang magpagmahal na pamilya pero hindi gaanong nabiyayaan sa mga materyal na bagay. Ang tatay ni Uly nagkakarpintero habang ang nanay niya naman ay tumatanggap ng labada. Sa kabila nito, lahat sila nakatapos ng college (ang bunso ay nag-aaral pa). (Read their extraordinary story here: https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10152998018434823&set=a.499534904822&type=3&theater)
Kahit na DOST-SEI Scholar dati si Uly sa UP Baguio (with stipend), hindi nito natapos ang kanyang kurso na BS Physics sa mahal na din ng mga gastusin sa siyudad. Nagpalipat-lipat ng schools, naging working student, nagconstruction worker, nag land survey, nagbike papasok ng school para makatipid, hanggang sa nakatapos ng BS in Electrical Engineering. Ngayon, isa na siyang Registered Master Electrician at Registered Electrical Engineer.
Hirap
Madaming hirap na napagdaanan. Maraming pit stops. Maraming down times. Pero palaging bumabangon. Napansin namin na mas seryoso na si Uly ngayon, mas naging mature at mas tahimik. Siguro dahil sa hirap at disiplina ng training nila sa Air Force. Masaya kami para sa kanya. Dati parang loko-loko lang tong kaibigan namin pero sinong magaakalang respetadong tinyente na siya ngayon haha. Lumalabas pa siya sa TV Patrol habang nagdodonate ng dugo para sa komunidad (link:https://www.facebook.com/ulysses.pascual.7/videos/10219905143441972/).
Kada taon, may mga bagong kwento ng pagkadelay, paghinto at pagdapa. Kung kayo ito, sana maalala niyo ang kwento ni Uly na sa hinabahaba ng college niya hindi niya naisipang tumigil - patuloy lang. One step and one subject at a time. Ika nga nila: Susuka. Pero. Hinding. Hindi. Susuko.
Para sa bayan.
For more content:
Facebook page: https://cutt.ly/0e6vDrJ
Youtube channel: https://cutt.ly/je6bwU4
Website: https://cutt.ly/8t4l04j
コメント